21/09/2026
๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐๐ฌ๐: ๐ฃ๐๐ก๐๐๐จ๐ง๐๐ก ๐๐ก๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ฃ, ๐ฃ๐๐ฆ๐๐ฆ๐ง๐ ๐๐ง ๐ง๐ฅ๐๐ฌ๐๐ข๐ฅ ๐ก๐ ๐ฅ๐๐๐๐ ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ข๐ฆ
21 Setyembre 1972 nang ideklara ni Marcos Sr. ang Proclamation No. 1081, o ang pagsasailalim ng bansa sa Batas Militar. Ayon sa Amnesty International, umabot sa humigit-kumulang na 70,000 ang iligal na inaresto at ikinulong, 34,000 ang tinortyur, at mahigit 3,200 ang pinatay sa ilalim ng Batas Militar, gamit ang militar at kapulisan bilang mga galamay ng estado sa pamamasista.
Isang taon na rin ang nakalipas mula nang maganap ang dambuhalang kilos-protesta kontra-korapsyon, kung saan sumambulat ang galit ng sambayanan laban sa flood control scam at higit na nabunyag ang sistematikong pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Ngunit hanggang ngayon, nakaupo pa rin sa gobyerno ang hari ng korapsyon na si Marcos Jr. na siyang anak ng pasista at diktador na si Marcos Sr.! Kaya naman, patuloy na dinaranas ng sambayanan ang kaliwaโt kanang krisis sa lipunanโang malawakang pagbaha sa maraming komunidad, ang patuloy na tanggalan at kawalan ng trabaho, ang malaking budget cut sa mga pamantasan, at ang patuloy na kagutuman at krisis sa ekonomiya! Malinaw itong indikasyon na lalong tumitindi ang sosyoekonomiko at pulitikal na krisis sa bansa.
Sa larangan ng mga manggagawa sa pelikula at mga creative worker, laganap pa rin ang kawalan ng seguridad sa trabaho, mababang pasahod, at iba pa. Habang patuloy ang pagpapakatuta at pagpapagamit sa imperyalismong US ng estado, na siyang humuhuthot sa ating likas na yaman, ninanakaw ang mga lupain na siyang nagpapalayas sa mga katutubo at magsasaka sa kanilang mga lupain. Ito ay malinaw na indikasyon na sa panahon ngayon, higit na kailangan ang pagsulong ng sining na siyang nagpapakita ng materyal na kondisyon ng isang lipunan.
Kaya naman, taas-kamaong nakikiisa ang UP Cineastesโ Studio sa malakihang protesta ngayong Setyembre 21 para sa ika-54 na taong komemorasyon ng madugong Batas Militar ng Rehimeng Marcos Sr., at sa paniningil sa anak nitong si Marcos Jr., na siyang korap, pasista, traydor, at tuta ng imperyalismong US!
Panagutin ang korap, pasista, at traydor na Rehimeng Marcos!
Lahat ng sangkot, ikulong, panagutin, hanggang sa tuktok!