18/02/2018
"Apology accepted, Trust denied"
Nung una okay na okay kami lagi siyang nandyan para pasiyahin ako halos ginagawa niya na nga akong mundo niya yung tipong kasama na ako sa lahat ng bagay na gagawin niya sa buhay. Nung una akala ko siya na yung Perfect Man for me kase nandun siya nung mga panahong down na down ako. Nagsilbing kumot nung nilalamig ako at nagsilbing unan nung kailangan ko ng maiiyakan at masasandalan. Niligawan niya ko, ipinakita niya na deserving talaga siya para sakin lahat ginawa niya para mapasagot ako ng 'oo'. Then sinagot ko rin nmn siya at minahal ng buong buo lahat rin nmn ginawa ko at ibinigay sa kanya Time, Effort, Love etc. Pero isang araw naging moody siya mabilis magalit na parang Hindi niya ako girlfriend pinalampas ko nmn yon kase mahal ko siya. Akala ko okay na pero nagkamali na namn siya. Nabasa ko lang nmn mga chat niya sa ex niya ang saya saya nila. That time nagtampo na ko, Hindi ko siya pinansin buong araw at ang sakit sakit non para sakin. Di pa man siya nakakagawa ng kasalanan pinapatawad ko na Siya, ganun ko siya kamahal. Yung araw na nagaway kami at nagkatampuhan nasundan na ng nasundan pati malilit na bagay pinagaawayan na namin. Nung una accept lang ako ng accept sa fact na hindi siya perfect at nagkakamali rin at dapat ko lang siyang tanggapin ng buong buo pero parang sobra na namn ata? One time nagchat sakin yung ex ko nagpapatulong sa research paper niya then nagreply ako at sinend yung file ko. Ganun lang nmn yung naging scenario puro tanong lang at ako puro sagot walang bahid ng kahit konting sweetness halos umaabot pa nga ng 20mins bago ako makapag reply e. Nagchat siya sakin nun at alam kong galit siya the way na ichat niya ko umabot pa nga sa puntong sinasabihan niya na ko ng "Malandi" nasaktan ako non. Tinatanong ko yung sarili ko kung pagmamahal pa ba yon? Hindi ko siya chinat non kase punong puno na talaga ako ang sakit sakit na. Inopen ko yung acc niya at nakita kong nakikipag chat siya sa ex niya. Inaaalala yung mga memories nila dati kesho what month daw sila naglandian noon, kailan daw sila nagsine at marami pang iba. Di ko alam kung pano niya nasisikmurang makipag chat sa ex niya ng pagkasayasaya samantalang ako hindi niya manlang kinakausap. Hindi ako kagaya ng ibang babae na scandalosa yung tipong ichachat yung babaeng kachat ng bf ko at sasabihan ng kung ano ano,hindi ko gawain yun at hindi ko kayang gawin yun. Mas okay na ako na lang yung nasasaktan basta wala lang akong matapakang ibang tao in short hindi ako self-centered. After a few days napagdesisyonan kong makipag break sa kanya kahit labag sa loob ko. Siya nmn todo sa pagmamakaawa na wag ko daw siyang iwan. Ayoko nmn talaga siyang iwan that time e pero ang sakit sakit na. Gusto ko nang magpahinga sa heartbreaks. Pero dahil mahal ko siya at ayokong matapos sa ganito lang lahat pinagbigyan ko siya. Ganun lang ako kadaling kausap at kayang magpatawad ng kahit ilan pang beses basta para sa taong mahal ko. Tila bumalik yung scenario nung una naging sweet siya, Sabi niya pa nga lagi niya na akong liligawan kahit kami na. Ganun ba talaga? Magbabago sila kapag huli na? Kapag wala na yung dating tiwala na binigay mo sa kanila? Akala ko siya na, Akala ko pangmatagalan na hindi kagaya ng mga past relationships ko. Pero Hindi pala, mali lang pala ako ng akala. Nasulat ko to dahil nasasaktan na naman ako ngayon, at naiwan ako sa pagitan ng Let go o Laban pa.
confusedgirl
2018